Did Paulo and Kim unfollow Star Cinema on Instagram?
May sama ba ng loob si Paulo Avelino sa Star Cinema?
Ito ang tanong ng netizens kaugnay ng binitiwang cryptic message ng aktor sa X (dating Twitter).
Huwebes ng hapon, January 9, 2025, nag-post si Paulo ng makahulugang patama sa hindi pinangalanang film company.
“Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula,” waring sarkastikong saad ni Paulo kalakip ng laughing emoji.
Sa comments section, makikitang nabahala ang fans ni Paulo at Kim Chiu.
Nakilala ang tambalang Kim at Paulo, na may uniname na KimPau, sa teleseryeng Linlang at Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim?.
Napagtagni-tagni ng fans na waring may kinalaman ang cryptic post ni Paulo sa inaasahang pelikula ng KimPau, ang My Love Will Make You Disappear, na iprinodyus ng Star Cinema.
Ang Star Cinema ang film company arm ng ABS-CBN Studios.
KIMPAU MOVIE
Noong December 23, 2024, sa premiere night ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na And The Breadwinner Is… lumabas ang teaser ng KimPau movie.
Una iyong lumabas noong December 10 sa Instagram account, at December 11 sa YouTube channel ng Star Cinema.
Sa teaser trailer, makikitang nag-picnic si Kim sa Jones Bridge at doon ay nanonood ng romance K-drama.
Dali-daling nagbukas ng payong si Kim nang biglang umulan. Paalis na sana siya nang mabunggo siya ni Paulo na noo’y tumatakbo sa bridge.
In slow motion, nasalo naman ni Paulo si Kim na muntik nang matumba.
Sa dulo ng teaser trailer inanunsiyo na February 12, 2025 ang playdate ng pelikula.
Noong January 6, 2025, nakapanayam pa sina Kim at Paulo ni MJ Felipe ng ABS-CBN News sa mismong promo shoot ng My Love Will Make You Disappear.
Sinabi ni Paulo na January 7 ay magsisimula na ang guest appearances nila ni Kim para i-promote ang pelikula.
Nang kumustahin ang set nila sa shooting, inamin ni Paulo “na may delays lang” dahil patuloy raw nilang pinapaganda ang mga eksena.
Pero sabi rin niya, “Everything is going well and happy naman.”
Hiningan din sila ng reaksiyon sa fans na panay na ang tanong kung kailan lalabas ang full trailer ng My Love Will Make You Disappear.
Sagot ni Paulo, “Mid-last year pa namin in-announce ito at hanggang ngayon ginagawa pa rin namin.
“So, I’m sure umaabot na rin sa rurok yung excitement ng mga nag-aabang since Day 1.”
Siniguro niyang pati trailer ay pinapaganda para di ma-disappoint ang fans.
MOVED PLAYDATE?
Pero waring nag-iba ang ihip ng hangin base sa cryptic post ni Paulo.
Sa comments sections, may fans na nag-react tungkol sa sinasabing biglang change of playdate ng My Love Will Make You Disappear.
May kumakalat sa Twitter na screenshot ng poster ng KimPau movie na may text na “April 2025” showing.
Base sa screenshot, galing sa Facebook page ng “SM Cinema” ang poster.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makikita ang sinasabing poster na iyon sa Facebook at Twitter ng SM Cinema.
Lumikha ito ng espekulasyon mula sa netizens.
May nagsasabing hindi pa tapos ang pelikula kaya di aabot sa February 12 playdate.
KIMPAU REACTS TO STAR CINEMA MEME
May haka-haka pa ang iba kung bakit waring diskumpiyado si Paulo base sa kanyang cryptic post.
Base pa rin sa diskusyon ng netizens, napaisip sila kung may kinalaman ang meme ng Star Cinema sa reaksiyon ni Paulo.
Less than hour bago ang X post ni Paulo, nagbahagi ang Star Cinema ng meme sa X gamit ang solo shot ni Bea Alonzo na galit sa eksena mula sa pelikulang Kasal.
Sabi sa meme: “‘Yung naka-sampung beses ka nang paliwanag, tapos sasabihin niya pa rin ‘Ha?’”
May kaakibat itong caption na “Dito nasusubok ang pasensya ko eh.”
Sa comments section, naglagay ang Star Cinema ng link sa pelikulang Kasal.
Tingin ng netizens, patama umano iyon kay Paulo na maaaring hindi raw kumbinsido sa anumang dahilan kung bakit maiiba ang playdate ng pelikula nila ni Kim.
DID PAULO AND KIM UNFOLLOW STAR CINEMA IG?
May mga napatanong din kung in-unfollow nina Kim at Paulo ang Star Cinema sa Instagram.
Kung titingnan ang IG accounts nina Kim at Paulo, hindi nga sila naka-follow sa Star Cinema.
Hindi naman malinaw kung noon ay naka-follow sina Kim at Paulo sa IG account ng Star Cinema.
Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang panig ng Star Cinema sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ABS-CBN Corporate Communications.
Ilalathala namin agad ang opisyal na pahayag ng film company sa oras na matanggap namin ito.
News
Mga pelikula ni Darryl Yap: Nagbubuga ng mga pag-uusap, nagdudulot ng mga kontrobersiya
His busiest year was 2021, but he made fewer movies after that. Why? The first film directed by Darryl Yap…
Matalo kaya ni Daniel Padilla si Coco Martin bilang ABS-CBN Primetime King?
Daniel Padilla and Coco Martin go head to head, with slim margins between them, in the TV ratings of La…
SH0CKING: Hindi Ka Maniniwala sa Reaksyon ni Coco Martin kay Julia Montes sa Trailer ng ‘Saving Grace’!
Coco Martin with long-time girlfriend Julia Montes… Actor Coco Martin recently shared his admiration and pride for his longtime girlfriend,…
Baby ba ito ni Coco Martin? Julia Montes Spotted with Adorable Child, Hindi Kakayanin ng Fans!
It seems the world of showbiz is once again abuzz with excitement as Julia Montes was recently spotted carrying an…
Feeding bottle sa bahay ni Coco Martin? Nagkaroon na ba siya ng ibang anak? Sino ang ina?
Muling nabuhay ang issue tungkol sa pagkakaroon ng love child nina Coco Martin at Julia Montes. Kapamilya actor Coco Martin’s (left) latest photo…
BINI Maloi shut down dating rumor with Rico Blanco
BINI Maloi: “STOP SPREADING FAKE NEWS.” BINI member Maloi and Rico Blanco have set social media abuzz after a video…
End of content
No more pages to load