Did Julia Barretto just throw shade at Kim Chiu following It’s Showtime joke about Gerald Anderson?
Patama ba kay Kim Chiu ang latest Instagram post ni Julia Barretto?
Ganito ang ipinahihiwatig ng Instagram followers ni Julia, 23, na nagkomento sa post ng young actress nitong Huwebes ng gabi, October 29.
Iniugnay ng fans kay Kim ang post ni Julia matapos na pabirong nabanggit ng 30-year-old Kapamilya actress ang pangalan ni Julia habang sapilitang nila-like ang Instagram photos ni Gerald Anderson, 31.
Ginawa ito bilang FUNishment ni Kim sa “Mas Testing” segment ng It’s Showtime nitong Miyerkules, October 28.
Dating magka-love team at nagkaroon ng “special relationship” sina Kim at Gerald.
Si Julia naman ay mahigit isang taon nang nali-link sa aktor.
Pilit na iniuugnay ng netizens sina Julia at Gerald sa isa’t isa mula nang iturong third party ang young actress sa kontrobersiyal na breakup ni Gerald kay Bea Alonzo noong July 2019.
Itinanggi na ito nina Julia at Gerald, pero hindi na sila tinantanan ng fans at netizens simula noon.
Nitong Miyerkules, habang nagtitingin si Kim ng ila-like sa Instagram photos ni Gerald ay nasambit niya: “’Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.”
Natawa ang iba pang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Vhong Navarro sa sinabi ni Kim.
Napansin iyon ni Kim at huli na nang na-realize niyang delikado ang kanyang nasabi.
“Ay, bawal ba? Sorry!” natawang sabi ni Kim, sabay senyas ng peace sign. “Ay, si Bea Alonzo pala!”
Nag-trending si Kim sa Twitter nang araw na iyon.
Kim in It’s Showtime’s “Mas Testing” segment
JULIA says she’s MINDING HER “OWN BUSINESS”
Kinabukasan, ipinost ni Julia sa Instagram ang dalawang litrato niya habang naglalakad sa garden, suot ang isang pink dress.
May revolving hearts emoji ang maiksing caption ni Julia: “Out here minding my own business”
Maraming Instagram followers ni Julia ang nagkomento na may “SHADE,” o may pinatatamaan, ang caption ng young actress.
Ilan pang fans ni Julia ang nagkomento ng may kaugnayan kay Kim.
Ginamit nila ang mga salitang “queen of the dance floor,” “bawal lumabas,” at “showtime.”
“Queen of the Dance Floor” ang bagong moniker kay Kim sa Kapamilya Sunday variety show na ASAP Natin ‘To.
Ang “Bawal Lumabas” ang hit single ni Kim, na inspired ng kanyang kontrobersiyal at viral classroom analogy kasunod ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN noong May 5.
Ang “showtime” naman ay tumutukoy sa noontime show na It’s Showtime, kung saan bagong host si Kim.
Ang isang fan ni Julia, diretsahang pinangalanan si Kim Chiu na siyang pinasasaringan daw sa post ng young actress.
Samantalang may iba pang netizens ang nagparunggit na ang caption daw ni Julia ay “sakto” sa mga “taong nagna name drop” at “nosy people who loves to drag your name and life just to make some noise.”
Kapansin-pansin ding may Instagram followers si Julia na nagkomentong “aminin” na lang daw sana ng young actress ang pagkaka-link nito kay Gerald.
Sinabi ng isang netizen na “lalabas at lalabas din” naman daw ang “binuking” ni Kim sa It’s Showtime kahit ano pang “tagu-taguan” ang gawin nina Julia at Gerald.
GERALD AND KIM
Kapwa Pinoy Big Brother: Teen Edition housemates sina Kim at Gerald noong 2006.
Sa loob ng Bahay ni Kuya nabuo ang kanilang tambalan, na binansagan ng fans na “Kimerald.”
Pero makalipas ang apat na taon, naghiwalay sila noong 2010, sa gitna ng mga balitang nililigawan ni Gerald si Bea.
Hanggang sa nagkahiwalay ay nanindigan sina Kim at Gerald na hindi sila nagkaroon ng romantic relationship, pero “special” sila sa isa’t isa.
Ganoon pa man, maraming kuwentong lumitaw tungkol sa pananalamlay ni Kim matapos ng hiwalayan nila ni Gerald.
Ipinareha sila sa ibang Kapamilya artists, hanggang muling pumatok ang love team ni Kim—sa pagkakataong ito, kay Xian Lim.
Taong 2017 nang muling nagtambal sina Kim at Gerald para sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.
Nang mga panahong iyon, longtime boyfriend na ni Kim si Xian, habang girlfriend naman ni Gerald si Bea.
GERALD AND JULIA
Sa unang pagkakataon, nagkatambal sina Julia at Gerald sa pelikulang Between Maybes noong May 2019.
Noon ay mahigit dalawang taon nang girlfriend ni Gerald si Bea, habang nobyo ni Julia ang love team partner niyang si Joshua Garcia.
Makalipas ang ilang linggo, magkasunod na nagkahiwalay sina Julia at Joshua at sina Gerald at Bea.
At nadawit na si Julia bilang third party umano sa hiwalayang Gerald at Bea.
Mariin noon ang pagtanggi nina Julia at Gerald na may namamagitan sa kanila. Iginiit ni Gerald na may mga partikular na dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea.
Pero kahit mahigit isang taon na ang nakalipas, patuloy na naglalabasan ang mga ulat na pilit na nag-uugnay kina Gerald at Julia.
Gaya ng pagdala umano ni Gerald kay Julia sa noon ay ipinagagawa pa lang ng aktor na private resort sa Zambales.
Noong nakaraang buwan lang, nagpakalat ng fake news ang dating broadcaster na si Jay Sonza na buntis daw si Julia at na si Gerald ang ama.
Itinanggi ito ni Julia, kasabay ng paghain ng mga reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Sonza.
Isang patuyang Instagram Story ng “Congratulations to me” naman ang naging reaksiyon ni Gerald sa pang-iintriga ni Sonza.
At press time, hindi kinukumpirma, pero hindi rin itinatanggi nina Gerald at Julia ang hindi matapus-tapos na intrigang mayroon silang romantic relationship.
News
OMG! Liza Soberano CRIED over netizen’s rape, death wishes for her and her family
OMG! Liza Soberano cries foul over netizen’s rape, death wishes for her and her family Liza Soberano warned a netizen…
Liza Soberano Surprises Fans: FIVE Months Pregnant but Still Looking Stunning!💏
Liza Soberano Surprises Fans: FIVE Months Pregnant but Still Looking Stunning!💏 Liza Soberano Surprises Fans: Four Months Pregnant but Still…
OMG! OGIE Diaz ACCUSES LIZA Soberano of Losing Herself
Nagbigay pahayag si Ogie Diaz ukol sa dati niyang alagang si Liza Soberano. Ito ay matapos niyang makapanayam ang naging manager…
JAMES REID sinadya na PAGTALIKOD kay LIZA SOBERANO dahil sa isang di kapani-paniwalang dahilan
James Reid and Liza Soberano are two well-known stars in the Philippine entertainment industry, each with a large and dedicated…
OMG! Gusto ni Coco Martin si Liza Soberano “I want her so much”…
“Ang Probinsyano” star Coco Martin is hoping to get the chance to work with Liza Soberano. Martin made the statement…
OMG! Coco Martin as a daddy to his real-life babies! “I feel…”
Coco Martin said “Being a father isn’t just defined as the man who makes the child, but rather the man…
End of content
No more pages to load