BINI Maloi: “STOP SPREADING FAKE NEWS.”

BINI Maloi slams rumor linking her to Rico Blanco
BINI member Maloi and Rico Blanco have set social media abuzz after a video of them crossing a street in La Union went viral online.

PHOTO/S: BINI Maloi/Rico Blanco on Instagram/Screengrab on X

Tinawag na “fake news” ng BINI member na si Maloi, 22, ang kumakalat na espekulasyong nag-uugnay sa kanila ng Rivermaya vocalist na si Rico Blanco, 51.

Nitong Huwebes, January 9, 2025, kumalat sa social media ang kuhang video nina Maloi at Rico habang sila ay nasa La Union.

Kuha ang nasabing video ng isang netizen na nakakita kina Maloi at Rico sa La Union habang patawid sa pedestrian.

Agad na kumalap ng samu’t saring komento ang video.

Maraming netizens ang naghinalang may espesyal na namamagitan sa dalawa.

Parehas naman daw single ang dalawa, matapos ang breakup ni Rico sa longtime girlfriend nitong si Maris Racal.

Isa ring online news outlet ang naglathala sa viral video nina Maloi at Rico.

Mababasang headline sa nasabing artikulo, “New year, new love?: Rico Blanco, BINI Maloi spotted together in La Union.”

BINI MALOI DISMISSES RUMORED ROMANCE WITH RICO BLANCO

Ang artikulong ito ay nakarating kay Maloi.

Sa X (dating Twitter), hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Maloi na ito’y pulisin.

Ni-retweet niya ang artikulo, kalakip ang caption na (published as is), “WHAT ?! STOP SPREADING FAKE NEWS.”

Dagdag pa niya (published as is), “STOP SPREADING FAKE NEWS. PLS LANG.”

BINI Maloi slams rumor linking her to Rico Blanco
Photo/s: Screengrab @X

Kung bibisitahin ngayon ang X account ni Maloi ay hindi na makikita ang artikulong kanyang ni-retweet dahil burado na ito.

BINI MALOI, RICO, AND OTHER ARTISTS IN LA UNION

Samantala, napag-alamang bukod kina Maloi at Rico, may iba pang mga personalidad na kasama nila sa La Union.

Sa X at Instagram Stories ni Maloi, makikitang kasama nila ni Rico sina Agnes at Pat Lasaten ng Ben&Ben, Zild Benitez, Blaster Silonga, at iba pa.

BINI Maloi slams rumor linking her to Rico Blanco
Photo/s: Screengrab BINI Maloi on Instagram

Dahil dito, marami sa Blooms (tawag sa fandom ng BINI) ang ngayo’y humihingi ng public apology mula sa news outlet na nagpakalat ng anila’y maling impormasyon.