“Malandi si Shaina Magdayao!”

Don’t get me wrong especially you Shaina Magdayao fans. Hindi iyan ang punto ng artikulong ito.

This is just an opinion from a blogger named Juan Republic about the akala-mo-ay-sobrang-importante-na-mas-mahalaga-pa-sa-proklamasayon-ng-Bagong-Presidente na isyu tungkol sa pagiging “on” nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

So John Lloyd admitted na sila na ni Shaina Magdayao. Great. Good for them. they have the freedom to love and to express their feelings.

So I browsed some online forums (fora or forices) re: this issue at isa lang ang common denominator sa mga haterzs na nabasa ko. Isa lang ang kanilang sinasabi: “Malandi si Shaina Magdayao”.

 

image

Okay. Hindi ko maintindihan kung bakit nila nasabi yun. Kalandian ba ang pagmamahal? Kalandian ba ang pagpapahayag ng nararamdaman?

O dahil naiinggit lang sila dahil na kay Shaina na ang kinahuhumalingan ng Masa – mapa-babae man o binabae – si John Lloyd Cruz?

image

Malandi ba si Shaina o naiinggit lang ang karamihan?

Sorry na lang kayo. Hanggang panaginip na lang ang pantasya niyo.

Pero sinabi ng Patrona ng mga Chismosa na si Tita Cristy Fermin, mayroon daw kasing kumakalat na mga chismis na sinulot daw ni John Lloyd si Shaina sa dati nitong boyfriend na si John Pratts (Anak ng Syoktong! Ang dami kong alam!).

E ano ngayon kung malandi si Shaina? E ano ngayon kung sila na ni John Lloyd? Hindi naman ako directly affected sa development sa buhay nila.

Hindi naman ako yayaman dahil sa kanila. Hindi naman mababago ang buhay ng milyones na pobre kong kababayan kung magpakasal sila.
John Lloyd is in love again | The Manila Times

E bakit ako nagku-kuwento tungkol sa kanila kung hindi naman ako apektado? Wala din siguro akong pinagkaiba sa mga sawsawero at sawsawera na hindi naman lubusang kilala ang personal na buhay ng mga artista.

Tandaan natin na parte lamang ng kanilang buhay ang ating nakikita sa harap ng kamera.

E bakit ako nagku-kuwento? Bukod sa pantanggal ng stress (oo, ganito ako maglabas ng stress. Nagsusulat.), crush ko kasi si Shaina Magdayao simula nung bata pa ako.

Lintek ka John Lloyd Cruz!

Malandi ba si Shaina Magdayao? Kanya-kanyang opinyon. Pero sa ating pagpapahayag ng ating opinyon, huwag nating kakalimutan na mas marami pang importanteng bagay ang dapat nating asikasuhin. Padayon!