Mukhang may pinaghahandaan si Coco para sa future ng mga mahal niya sa buhay.
Nakaapat na linggo na sa GMA-7 ang primetime series na Pulang Araw.
Andiyan na ang mabagsik na si Lt. Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo). Mas iigting ang mga ganap kina Eduardo (Alden Richards), Teresita (Sanya Lopez), Adelina (Barbie Forteza), at Hiroshi (David Licauco).
Chinita si Adelina, samantalang morena ang half-sister niyang si Teresita. 100 episodes ang Pulang Araw, kaya mapapanood ito hanggang Disyembre sa Netflix at GMA Network.
Matapos mag-goodbye si Bubbles (Ivana Alawi) sa FPJ’s Batang Quiapo, nag-hello si Tisay (Barbie Imperial) kay Tanggol (Coco Martin).
Handa sa bakbakan si Barbie sakaling may ipapagawang action scenes sa kanya.
“I tried muay thai and boxing para lang ready ako if ever may pagawing action scene sa akin si Direk Coco,” pahayag ni Barbie sa press release na ipinadala sa PEP Troika.
“Yun [action] talaga yung genre na gusto kong ma-try because I’ve never done it before. I’m very excited.”
Magpi-finale week na ang seryeng High Street.
Ang finale episode nito ay eere sa Agosto 30, 2024, Biyernes ng 9:30 P.M. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Mapapanood din ito sa iWantTFC at TFC.
Sa Agosto 30, Biyernes din mag-uumpisa ang Netflix streaming ng advance episodes ng seryeng Lavender Fields.
Tampok dito sina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, Jericho Rosales, Jolina Magdangal, at Jana Agoncillo.
Kagaya ng Pulang Araw ay 100 episodes ang Lavender Fields, na nagtatampok din kina Albert Martinez, Edu Manzano, at Maricel Soriano.
Eere ang Lavender Fields sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 umpisa Setyembre 2, Lunes ng 8:45 P.M., pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo. Uurong ang Pamilya Sagrado sa 9:30 P.M. timeslot.
Kung hindi magbabago ang timeslots sa GMA-7, makikipagbakbakan ang Lavender Fields sa Widows’ War, at ang katapat ng Pamilya Sagrado ay ang Asawa Ng Asawa Ko.
Exciting siyempre ang kabugan ng Pulang Araw at Lavender Fields sa Top 10 TV Shows list ng Netflix Philippines.
Mas magiging exciting kapag nagpasiklab na ang 130-episode Incognito nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.
Nakailang taping days na ang Incognito sa El Nido sa Palawan. Maglo-location din ba sila sa Tawi-tawi?
Ito bang Incognito ang papalit sa Pamilya Sagrado? Nakatakda ba sa Nobyembre 1, Biyernes, Todos Los Santos ang finale ng teleserye nina Piolo Pascual, Kyle Echarri at Grae Fernandez?
Sagradong araw ang All Saints’ Day, kaya doon itatapat ang wakas ng Pamilya Sagrado?
If ever, sa araw ring iyon ang umpisa ng streaming sa Netflix ng advance episodes ng Incognito.
Ang saya-saya kapag sabay-sabay nang nag-i-streaming sa Netflix Philippines ang Pulang Araw, Lavender Fields, at Incognito mula Nobyembre 1, Biyernes hanggang sa ikalawang linggo ng Disyembre 2024.
GORGY RULA
Hindi na lang ratings sa telebisyon ang basehan kung malakas ang isang primetime drama.
Meron na ring streaming service na napapanood sa Netflix, Amazon Prime, HBO, Viu, at marami pa.
COCO, NAKATAKDANG LUMIPAD PATUNGONG EUROPE?
Ang FPJ’s Batang Quiapo na lang ni Coco Martin ang talagang namamayagpag sa telebisyon kaya talagang itinotodo nila ngayon ang mga susunod na episodes.

Ang latest na narinig ko, halos araw-araw nang nagte-taping ang teleserye ni Coco Martin dahil nakatakda raw itong umalis patungong ibang bansa.
Hindi lang kumpirmado kung saang bahagi ng Europe siya pupunta at kung kasama ba si Julia Montes.
Mukhang may pinaghahandaan kasi ang Hari ng Telebisyon sa future ng mga mahal niya sa buhay.
Maganda iyan dahil talagang paspasan ang paghahanda niya sa mga susunod na plano niya sa kanyang buhay.
“Strike while the iron is hot,” ika nga!
Kaya abang-abang na lang tayo sa totoong teleserye ng buhay ni Coco Martin.
Samantala, kaabang-abang ang susunod na magaganap sa Pulang Araw dahil magsisimula na ang digmaang pandaigdig.
Maraming mga detalyeng doon lang malalaman na tila sinaliksik nang husto kung ano talaga ang mga naganap noong panahon ng giyera.
Sana, subaybayan ito ng ating mga kabataan. Dito sa mga susunod na episodes ng Pulang Araw ay magsisimula nang magpatikim ng bagsik ni Col. Yuta Saitoh na mahusay na ginagampanan ni Dennis Trillo.
Ang galing ni Dennis dito na para talaga siyang Japanese kapag nagbitaw ng lengguwahe ng mga Hapon.
Consistent pa rin ang galing ni Barbie Forteza. Tiyak na mapapansin siya rito ng ilang award-giving bodies na nagbibigay ng parangal sa mga programa sa telebisyon.
NOEL FERRER
Sa panahong ang palabas sa TV ay puwede nang ma-access sa iba’t ibang platforms, ang key dito ay consistency.
At tama kayo, sina Coco Martin at Ruru Madrid ang medyo consistent dito sa paggawa ng teleserye lately.
Tama rin kayo, mga ka-Troika, na ang maganda sa mga programa nila, ibang klaseng pananaliksik at paghahanda ang ginagawa nila para mapaganda pa ang kanilang ihahain sa mga tao.
Next thing to conquer for both Coco and Ruru, pelikula o big screen naman!!!
With the right project, kayang-kaya nila iyan!
News
Liza Soberano Speaks Out: Ang Kanyang Emosyonal na Reaksyon sa LA Wildfires ay Magiging Maantig sa Iyo!
Amid the ongoing Los Angeles wildfires, actress Liza Soberano took to social media to express her heartfelt gratitude to those who…
Julia Montes On Kathryn Bernardo’s Success: ‘Ako ‘yung isa sa pinakamasaya’
‘Our bond is really special,” Julia Montes said. PHOTO: Instagram/johnvalle20, Instagram/montesjulia08 True friendships are all about loving and supporting each…
Sinagot ni Julia Montes ang Isyu ng Break Up Sa Boyfriend na si Coco Martin
One of Kapamilya network’s sought-after actress, Julia Montes, answers the break-up issue with rumored boyfriend Coco Martin. Mara Hautea Schnittka…
Drama sa Likod ng Halik! Naalala ni Coco Martin ang kissing scene nila ni Julia Montes
The grandmother of Julia felt nervous while watching Coco and Julia shoot their kissing scene for their movie. Si Coco…
Si Julia Montes ay Nahulog sa Nakaka-Nerve-Wracking Love Scene kasama si Coco Martin: ‘I Was So Nervous!’
Kapamilya actress Julia Montes reveals that she got tensed before shooting her first ever ‘love scene’ with Teleserye King Coco…
Inamin ni Lovi Poe na espesyal sa kanya si Coco Martin sa isang nakakagulat na dahilan! May Secret Romance ba?
If there was one thing that actress Lovi Poe wishes she could emulate from her ‘FPJ’s Batang Quiapo” character Mokang,…
End of content
No more pages to load