
Nagbigay-pugay si Danica Sotto-Pingris sa namayapa niyang stepfather na si Department of Agriculture undersecretary at former Ilocos Sur governor Deogracias Victor “DV” Savellano.
Si Savellano ay asawa ng ina ni Danica na si Dina Bonnevie.
Si Danica ay panganay na anak ni Dina sa dating asawang si Vic Sotto; ang bunso nila ay si Oyo Sotto.
Sa Instagram ngayong Miyerkules, January 8, 2025, nag-post si Danica ng ilang larawang kuha mula sa family events nila, kasama ang kanyang Tito DV.
Ayon kay Danica, “loving husband and a kind stepdad to us” ang namayapang asawa ng ina.
Hindi raw niya akalaing ang Christmas 2024 ang huli nilang pagsasaluhang okasyon kasama ang kanyang stepfather.
Post ni Danica: “Thank you, Tito DV, for being a loving husband and a kind stepdad to us.
“I will miss the food trips, your laughter, and your facial expressions whenever we teased Mom.
“I didn’t expect that last Christmas would be our final one with you.”
Hindi raw makakalimutan ni Danica ang pagiging mabuting tao ni DV.
Sana ay napasalamatan man lamang daw niya ito.
Pagtatapos niya, “Sana napasalamatan pa kita. I will never forget your kindness.
“You were a man of few words, but you always made your love felt by taking care of those around you. We will miss you, Tito.”
KRISTINE HERMOSA COMMENTS ON DANICA SOTTO’S POST
Marami ang nagpaabot ng pakikiramay sa mensaheng ito ni Danica.
Isa sa nagkomento ay ang sister-in-law ni Danica na si Kristine Hermosa, asawa ni Oyo.
Mensahe ni Kristine, “We will miss you, Tito DV… you have a good heart.”

Abdominal aneursym ang sanhi ng pagpanaw ni Savellano.
Pumanaw siya sa edad na 65, kahapon, Enero 7, 2025.
Kinumpirma ni Dina ang pagpanaw ng kanyang mister sa TV host at talent manager na si Boy Abunda.
Nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang mag-usap sa telepono ilang minuto bago nag-umpisa ang live telecast ng programa ni Boy sa GMA-7, ang sa Fast Talk with Boy Abunda.
DETAILS OF DV SAVELLANO’S WAKE
Sa pamamagitan ng social media ay ibinahagi ni Dina ang detalye ng burol at libing ng pumanaw na asawa.
Ilalagak ang mga labi ng DA undersecretary sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Magkakaroon ng public viewing mula ngayong January 8, Miyerkules, hanggang January 11, Sabado.
Pagkatapos nito ay dadalhin ang kanyang mga labi sa tahanan ng mga Savellano sa Cabugao, Ilocos Sur, kung saan magkakaroon din ng public viewing mula January 12, Linggo, hanggang January 16, Huwebes.
Ihahatid sa kanyang huling hantungan si Savellano sa Cabugao Cemetery sa January 17, 2025, Biyernes.
News
Liza Soberano Speaks Out: Ang Kanyang Emosyonal na Reaksyon sa LA Wildfires ay Magiging Maantig sa Iyo!
Amid the ongoing Los Angeles wildfires, actress Liza Soberano took to social media to express her heartfelt gratitude to those who…
Julia Montes On Kathryn Bernardo’s Success: ‘Ako ‘yung isa sa pinakamasaya’
‘Our bond is really special,” Julia Montes said. PHOTO: Instagram/johnvalle20, Instagram/montesjulia08 True friendships are all about loving and supporting each…
Sinagot ni Julia Montes ang Isyu ng Break Up Sa Boyfriend na si Coco Martin
One of Kapamilya network’s sought-after actress, Julia Montes, answers the break-up issue with rumored boyfriend Coco Martin. Mara Hautea Schnittka…
Drama sa Likod ng Halik! Naalala ni Coco Martin ang kissing scene nila ni Julia Montes
The grandmother of Julia felt nervous while watching Coco and Julia shoot their kissing scene for their movie. Si Coco…
Si Julia Montes ay Nahulog sa Nakaka-Nerve-Wracking Love Scene kasama si Coco Martin: ‘I Was So Nervous!’
Kapamilya actress Julia Montes reveals that she got tensed before shooting her first ever ‘love scene’ with Teleserye King Coco…
Inamin ni Lovi Poe na espesyal sa kanya si Coco Martin sa isang nakakagulat na dahilan! May Secret Romance ba?
If there was one thing that actress Lovi Poe wishes she could emulate from her ‘FPJ’s Batang Quiapo” character Mokang,…
End of content
No more pages to load