May isa pa kasi siyang ginawa.

Photos of Ryo Yoshizawa

Nasibak ang sikat na Japanese actor na si Ryo Yoshizawa bilang endorser ng isang beer brand sa Japan.

Si Ryo ay kinuha noon ng Asahi Breweries para maging mukha ng low-alcohol variant—ang Super Dry Dry Crystal na mayroon lang 3.5 percent alcohol content.

Ang 30 anyos na actor ay isinalarawan ng isang fashion magazine bilang “national treasure-class handsomeness.”

Photo of Ryo Yoshizawa wearing formal outfit

Ryo Yoshizawa Acting Credentials

Mayroon siyang halos 80 screen credits, ayon sa filmography niya sa IMDB.

Noong isang taon ay gumanap siya bilang isang binatang may deaf parents sa Living in Two Worlds.

Ang kanyang upcoming movie na National Treasure ay nakatakdang ipalabas sa June 6, 2025.

Kaya hindi kataka-taka na isang linggo matapos ilabas ng kanyang ad, naging mabenta agad ang beer sa merkado.

Ryo Yoshizawa’S DRUNKEN ESCAPADE

Pero isang insidente ang naging mitsa para mawalan ng endorsement si Ryo.

Ang dahilan, ayon sa ulat ng South China Morning Post kahapon, January 8, 2025: Napasobra ang kanyang kalasingan.

Ibang alak din daw ang kanyang ininom, pero hindi na binanggit kung anong brand.

Noong December 30, 2024, umuwi si Ryo sa kanyang tinutuluyang apartment complex, pero dahil lasing na lasing, sa katabing unit siya pumasok.

Nagsumbong sa mga pulis ang kapitbahay, at naaresto ang aktor.

Ayon sa pahayag ng kanyang talent agency na Amuse last January 6, aminado si Ryo na nalasing talaga siya, at “aksidente” lang ang pagkakapasok nito sa unit ng kapitbahay.

Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi raw ni Ryo sa mga pulis na nawalan siya ng huwisyo kaya hindi niya alam ang nangyari.

Basta na lang daw siya pumasok sa unit ng kapitbahay at gumamit ng bathroom.

Photo of Ryo Yoshizawa wearing white T-shirt
Hindi itinanggi ni Ryo Yoshizawa ang naging pagkakamali niya nung pumasok siya sa apartment ng kapitbahay. Photo: @oryojapon on IG

Ryo Yoshizawa’S CONTRACT, TERMINATED

Isinapubliko naman ng tagapagsalita ng beer manufacturer last January 7 na na-terminate na ang kontrata ni Ryo.

“As an alcohol beverage company, we consider his actions unacceptable,” ayon sa pahayag.

Hindi na rin umano nila gagamitin ang actor sa mga susunod na advertisements ng kumpanya.

Sa pagsikat sa Japan ng low-percentage and alcohol-free beer, bumaba na ang bilang ng mga nagpapakalasing—at taliwas ito sa nangyari kay Ryo.

Humingi naman ng dispensa ang aktor sa kanyang kapitbahay.

Umalis na rin siya sa tinutuluyang apartment.