May isa pa kasi siyang ginawa.
Nasibak ang sikat na Japanese actor na si Ryo Yoshizawa bilang endorser ng isang beer brand sa Japan.
Si Ryo ay kinuha noon ng Asahi Breweries para maging mukha ng low-alcohol variant—ang Super Dry Dry Crystal na mayroon lang 3.5 percent alcohol content.
Ang 30 anyos na actor ay isinalarawan ng isang fashion magazine bilang “national treasure-class handsomeness.”
Ryo Yoshizawa Acting Credentials
Mayroon siyang halos 80 screen credits, ayon sa filmography niya sa IMDB.
Noong isang taon ay gumanap siya bilang isang binatang may deaf parents sa Living in Two Worlds.
Ang kanyang upcoming movie na National Treasure ay nakatakdang ipalabas sa June 6, 2025.
Kaya hindi kataka-taka na isang linggo matapos ilabas ng kanyang ad, naging mabenta agad ang beer sa merkado.
Ryo Yoshizawa’S DRUNKEN ESCAPADE
Pero isang insidente ang naging mitsa para mawalan ng endorsement si Ryo.
Ang dahilan, ayon sa ulat ng South China Morning Post kahapon, January 8, 2025: Napasobra ang kanyang kalasingan.
Ibang alak din daw ang kanyang ininom, pero hindi na binanggit kung anong brand.
Noong December 30, 2024, umuwi si Ryo sa kanyang tinutuluyang apartment complex, pero dahil lasing na lasing, sa katabing unit siya pumasok.
Nagsumbong sa mga pulis ang kapitbahay, at naaresto ang aktor.
Ayon sa pahayag ng kanyang talent agency na Amuse last January 6, aminado si Ryo na nalasing talaga siya, at “aksidente” lang ang pagkakapasok nito sa unit ng kapitbahay.
Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi raw ni Ryo sa mga pulis na nawalan siya ng huwisyo kaya hindi niya alam ang nangyari.
Basta na lang daw siya pumasok sa unit ng kapitbahay at gumamit ng bathroom.

Ryo Yoshizawa’S CONTRACT, TERMINATED
Isinapubliko naman ng tagapagsalita ng beer manufacturer last January 7 na na-terminate na ang kontrata ni Ryo.
“As an alcohol beverage company, we consider his actions unacceptable,” ayon sa pahayag.
Hindi na rin umano nila gagamitin ang actor sa mga susunod na advertisements ng kumpanya.
Sa pagsikat sa Japan ng low-percentage and alcohol-free beer, bumaba na ang bilang ng mga nagpapakalasing—at taliwas ito sa nangyari kay Ryo.
Humingi naman ng dispensa ang aktor sa kanyang kapitbahay.
Umalis na rin siya sa tinutuluyang apartment.
News
Liza Soberano Speaks Out: Ang Kanyang Emosyonal na Reaksyon sa LA Wildfires ay Magiging Maantig sa Iyo!
Amid the ongoing Los Angeles wildfires, actress Liza Soberano took to social media to express her heartfelt gratitude to those who…
Julia Montes On Kathryn Bernardo’s Success: ‘Ako ‘yung isa sa pinakamasaya’
‘Our bond is really special,” Julia Montes said. PHOTO: Instagram/johnvalle20, Instagram/montesjulia08 True friendships are all about loving and supporting each…
Sinagot ni Julia Montes ang Isyu ng Break Up Sa Boyfriend na si Coco Martin
One of Kapamilya network’s sought-after actress, Julia Montes, answers the break-up issue with rumored boyfriend Coco Martin. Mara Hautea Schnittka…
Drama sa Likod ng Halik! Naalala ni Coco Martin ang kissing scene nila ni Julia Montes
The grandmother of Julia felt nervous while watching Coco and Julia shoot their kissing scene for their movie. Si Coco…
Si Julia Montes ay Nahulog sa Nakaka-Nerve-Wracking Love Scene kasama si Coco Martin: ‘I Was So Nervous!’
Kapamilya actress Julia Montes reveals that she got tensed before shooting her first ever ‘love scene’ with Teleserye King Coco…
Inamin ni Lovi Poe na espesyal sa kanya si Coco Martin sa isang nakakagulat na dahilan! May Secret Romance ba?
If there was one thing that actress Lovi Poe wishes she could emulate from her ‘FPJ’s Batang Quiapo” character Mokang,…
End of content
No more pages to load