Vic Sotto seeks PHP35M in damages.

Vic Sotto hurt by mention of rape in movie teaser
Veteran actor and TV host Vic Sotto files cyberl libe complains vs controversial director Darryl Yap (not in photo) following the release of The Rapists of Pepsi Paloma movie teaser: “Ako’y nanahimik, wala naman akong sinasagot. Eto na po yun. Eto na po ang reaksiyon ko. Sabi ko nga ito ang walang personalan ito. I just trust in our justice system.”



PHOTO/S: Arniel Serato

Sinampahan ng 19 counts of cyber libel ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto ang controversial film director na si Darryl Yap.

Ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na teaser ng pelikula ni Yap na The Rapists of Pepsi Paloma, kung saan direktang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto.

Inihain ni Vic ang kanyang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court, sa Tunasan, Muntinlupa City, nitong Huwebes ng umaga, January 9, 2025.

Vic Sotto complaint affidavit
Photo/s: Arniel Serato

VIC SOTTO ON DECISION TO FILE CYBER LIBEL

Matapos panumpaan ang kanyang salaysay, nagpaunlak si Vic ng panayam sa media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nakaantabay sa labas ng korte.

Ayon kay Vic, ang paghahain ng pormal na reklamo ang reaksiyon niya sa viral movie teaser ng pelikula ni Yap.

Pahayag niya: “Kami po ay nag-file ng cyber libel case.

“Marami pong nagtatanong kung ano po ang reaksiyon ko sa lumabas na isyung ito.

“Ako’y nanahimik, wala naman akong sinasagot.

“Sa mga taong nagtatanong, sa aking mga kaibigan, pamilya, a lot of people have been asking me, ‘Ano reaksiyon mo?’

“E, eto na po yun. Eto na po yung reaction ko.

“Sabi ko nga, ito, walang personalan ito.

“I just trust in our justice system.

“Ako ay laban sa mga iresponsibleng tao, lalo na pagdating sa social media.”

Nagulat ba siya nang lumabas ang movie teaser sa mismong araw ng Bagong Taon, January 1, 2025?

Sagot ni Vic sa tanong ng PEP.ph, “Hindi naman. Parang expected ko na yan dahil matagal naman ito dahil last year pa pinu-promote.”

Narinig na raw niya ang tungkol dati pa.

VIC SOTTO ON WIFE PAULEEN LUNA’S REACTION

Inusisa rin ng media si Vic tungkol sa naging reaksiyon ng asawa niyang si Pauleen Luna.

Ayon kay Vic, “Siyempre, she’s full support.

“Not only my wife but my children, my friends, and I think marami yung mga kababayan natin kasama ko sa laban.”

Kumusta naman siya ngayon?

Tugon ng Eat Bulaga! host, “I’m okay. I’m okay.”

Tumanggi naman siyang magkomento nang tanungin kung politically motivated ba ang paglabas ng pelikula tungkol kay Pepsi Paloma.

Naapektuhan ba ang kanyang pamilya dahil sa social media?

Sabi ni Vic, “Siyempre lahat ng pamilya ko, lahat ng kaibigan ko is behind… in full support sa akin, kung anuman ang aksiyon na…

“Sabi nga nila, kung ano man ang plano kong gawin, they will be in full support.”

May mensahe ba siya kay Darryl Yap?

Maiksi niyang sagot, “Wala naman. Happy New Year.”

May nais ba siyang iparating sa publiko na nahusgahan na siya dahil sa teaser ng pelikula?

Sabi ni Vic, “E, kanya-kanya namang… demokrasya tayo, e.

“Kanya-kanyang paniwala yan, e, basta ako naniniwala sa sistema ng ating hustisya.”

PHP35 million ang hihinging kabuuang danyos ng kampo ni Vic mula kay Yap kaugnay ng reklamong ito.