Vic Sotto’s name mentioned in controversial teaser of movie about Pepsi Paloma

Nakatakdang maghain ng reklamo ang veteran TV host-comedian na si Vic Sotto laban sa controversial director na si Darryl Yap.
Ito’y kasunod ng pagbanggit ng pangalan ni Vic sa inilabas na teaser ni Darryl para sa pelikula niyang The Rapists of Pepsi Paloma.
Ang pelikula ay base sa buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma
Ayon sa legal counsel ni Vic, nakatakdang maghain ng pormal na reklamo ang Eat Bulaga! host laban kay Darryl sa Muntinlupa City Regional Trial Court bukas, Huwebes, January 9, 2025.
THE CONTROVERSIAL TEASER OFÂ The Rapists of Pepsi Paloma
Malakas na ingay ang nilikha ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma na isinapubliko noong January 1, 2025, dahil sa tahasang pagbanggit ng pangalan ni Vic sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante
Si Gina ang gumaganap na Charito Solis, ang yumaong beteranang aktres.

Habang si Rhed naman ang gumaganap na Pepsi Paloma.

Sa kontrobersiyal na eksena nina Gina at Rhed, mapapanood ang pagkumpronta ni Charito (Gina) kay Pepsi (Rhed) nang walang-habas nitong tanungin kung totoo bang “ni-rape” siya ni Vic Sotto.
Narito ang binitawang linya nina Gina at Rhed sa teaser:
Gina: “Ipaliwanag mo sa akin! Magsabi ka sa akin! Ipaliwanag mo, dahil hindi ko naiintindihan.
“Pepsi sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?”
Rhed: “Oo!”
Kalakip ng teaser ang caption na ito:
“LABAN O BAWI
“Inakusahan ng Rape ni Pepsi Paloma si Vic Sotto atbp; subalit makalipas ang ilang kaganapan ay inurong nito ang demanda.
“Bakit?
“Abangan si Rhed Bustamante bilang PEPSI PALOMA”
Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa February 2025, tatlong buwan bago ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Pepsi na winakasan ang sariling buhay noong May 31, 1985.
News
Liza Soberano Speaks Out: Ang Kanyang Emosyonal na Reaksyon sa LA Wildfires ay Magiging Maantig sa Iyo!
Amid the ongoing Los Angeles wildfires, actress Liza Soberano took to social media to express her heartfelt gratitude to those who…
Julia Montes On Kathryn Bernardo’s Success: ‘Ako ‘yung isa sa pinakamasaya’
‘Our bond is really special,” Julia Montes said. PHOTO: Instagram/johnvalle20, Instagram/montesjulia08 True friendships are all about loving and supporting each…
Sinagot ni Julia Montes ang Isyu ng Break Up Sa Boyfriend na si Coco Martin
One of Kapamilya network’s sought-after actress, Julia Montes, answers the break-up issue with rumored boyfriend Coco Martin. Mara Hautea Schnittka…
Drama sa Likod ng Halik! Naalala ni Coco Martin ang kissing scene nila ni Julia Montes
The grandmother of Julia felt nervous while watching Coco and Julia shoot their kissing scene for their movie. Si Coco…
Si Julia Montes ay Nahulog sa Nakaka-Nerve-Wracking Love Scene kasama si Coco Martin: ‘I Was So Nervous!’
Kapamilya actress Julia Montes reveals that she got tensed before shooting her first ever ‘love scene’ with Teleserye King Coco…
Inamin ni Lovi Poe na espesyal sa kanya si Coco Martin sa isang nakakagulat na dahilan! May Secret Romance ba?
If there was one thing that actress Lovi Poe wishes she could emulate from her ‘FPJ’s Batang Quiapo” character Mokang,…
End of content
No more pages to load