David Licauco admits he’s now single.

Hindi nakaligtas ang Kapuso actor na si David Licauco sa pang-aasar ng TV host-comedian na si Vice Ganda.
Sa segment na “And the Breadwinner Is” ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime ngayong Miyerkules, January 8, 2025, naging guest seacher si David.
Dito ay nakihula siya kung sino ang totoong breadwinner na dance choreographer sa mga sumalang na players.
Simula pa lang ng segment ay inusisa na ni Vice ang kasalukuyang estado ni David nang tanungin nito ito kung siya ba ay single o in a relationship.
“David, may partner ka ba?” diretsahang tanong ni Vice.
“Wala po, single, single po,” mabilis namang sagot ni David.
“Hoy, tinatanong ko lang naman sa business, ikaw naman lovelife kaagad,” biro ni Vice.
Nahihiyang sagot muli ni David, “Single lang din po sa business.”
VICE ASKS DAVID ABOUT COURTING A LEADING LADY
Nagtuluy-tuloy pa ang pang-aasar ni Vice kay David nang hiritan niya ito tungkol sa aniya’y posibleng panliligaw ng Kapuso heartthrob sa kanyang leading lady.
Nangyari ito sa kalagitnaan ng segment nang tanungin ni David ang isa sa dance choreographer kung maaari ba nitong ligawan ang kanyang estudyante.
Tanong ni David, “Puwede bang ligawan ng choreographer yung mga estudyante?”
Hindi pa nakakasagot ang dance choreographer ay binalik na agad ni Vice ang tanong kay David.
Sabi ni Vice kay David, “Wow, puwede bang ligawan ng leading man yung leading lady?”
Hirit pa ni Vice, “Puwede bang ligawan ng leading man yung leading lady kahit bagong hiwalay pa lang?”
Napakamot na lang sa tenga habang namumula sa pagkabigla si David sa tanong sa kanya ni Vice.

Dagdag pa ni Vice, “Sabi nila may three-month rule daw, pero hindi naman natin alam kung sino ang nagpauso niyan.”
NETIZENS’ REACTION
Bagamat walang binanggit si Vice kung sino ang kanyang pinapatungkulan sa aniya’y “leading lady,” marami ang naghinalang ito ay walang iba kundi si Barbie Forteza.
Tumutugma raw kasi ang mga hirit ni Vice sa kasalukuyang isyu ng ka-loveteam ni David na si Barbie.
Noong January 2, 2025, isinapubliko ni Barbie ang pagtatapos ng pitong-taong relasyon nila ni Jak Roberto.
Hindi sinabi ni Barbie ang dahilan ng breakup nila ni Jak, ngunit marami sa kanilang tagahanga ang nalulungkot at hindi makapaniwala sa kinahinatnan ng relasyon ng dalawa.
May ibang netizens na naghinalang may kinalaman ang matagumpay na showbiz career ni Barbie kaya’t nagdesisyon umano itong makipaghiwalay kay Jak.
Maliban sa career, isa rin ngayong tinitingnan ng netizens ang pagiging malapit ni Barbie sa onscreen partner nitong si David na umamin din kamakailan na hiwalay na kanyang non-showbiz girlfriend.
News
Liza Soberano Speaks Out: Ang Kanyang Emosyonal na Reaksyon sa LA Wildfires ay Magiging Maantig sa Iyo!
Amid the ongoing Los Angeles wildfires, actress Liza Soberano took to social media to express her heartfelt gratitude to those who…
Julia Montes On Kathryn Bernardo’s Success: ‘Ako ‘yung isa sa pinakamasaya’
‘Our bond is really special,” Julia Montes said. PHOTO: Instagram/johnvalle20, Instagram/montesjulia08 True friendships are all about loving and supporting each…
Sinagot ni Julia Montes ang Isyu ng Break Up Sa Boyfriend na si Coco Martin
One of Kapamilya network’s sought-after actress, Julia Montes, answers the break-up issue with rumored boyfriend Coco Martin. Mara Hautea Schnittka…
Drama sa Likod ng Halik! Naalala ni Coco Martin ang kissing scene nila ni Julia Montes
The grandmother of Julia felt nervous while watching Coco and Julia shoot their kissing scene for their movie. Si Coco…
Si Julia Montes ay Nahulog sa Nakaka-Nerve-Wracking Love Scene kasama si Coco Martin: ‘I Was So Nervous!’
Kapamilya actress Julia Montes reveals that she got tensed before shooting her first ever ‘love scene’ with Teleserye King Coco…
Inamin ni Lovi Poe na espesyal sa kanya si Coco Martin sa isang nakakagulat na dahilan! May Secret Romance ba?
If there was one thing that actress Lovi Poe wishes she could emulate from her ‘FPJ’s Batang Quiapo” character Mokang,…
End of content
No more pages to load