Boy Abunda Napaiyak Sa Kahilingan Ni Kris Aquino
Hindi napigilan ng King og Talk na si Boy Abunda na maging emosyunal sa muling pagkikita nila ni Kris Aquino.
Nakaramdam umano ng halo-halong emosyon si Boy Abunda ng personal na niyang makita ang pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang sakit at ang dinadanas nito sa kanyang pagpapagamot.
Matatandaan na naunang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post kung paano pinipigilan ni Boy Abunda ang kanyang emosyun subalit kalaunan ay napahagulhol na rin.
Samantala sa kamakailang episode ng Fast Talk With Boy Abunda, ipinaliwanag ni Boy Abunda kung ganoon na lamang ang kanyang emosyon nang makita ang kasalukuyang pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang sakit.
Matagal ring hindi nagkita ang dalawa at sa mga text message at tawag lamang sila nagkaka-usap. Ang muling pagsasama ay isang makabuluhan at emosyonal na sandali para sa kanilang dalawa.
“It was a happy, beautiful reunion. Dahil matagal kaming hindi nagkita ni Kris, text lamang at sa telepono lang kami nagkakausap. It was different seeing her. Tatanggapin ko po, ako ay naging emosyunal. Sinabi rin naman ito ni Kris, I was emotional. Pinipigilan ko pong hindi umiyak pero naiyak po ako, na-miss ko si Kris.”
Hiniling din umano niya kay Kris Aquino na magpagaling ito at magpalakas upang makakagawa pa sila ng proyekto.
Ibinahagi naman ni Boy Abunda na nasa pangangalaga si Kris Aquino ng mga best doctors at nurses. Panawagan naman niya sa lahat ng mga taga-suporta ni Kris Aquino na ipagpatuloy lamang ang pagdarasal para sa agarang paggaling nito.
Isiniwalat din ni Boy Abunda ang kanilang usapan ni Kris Aquino patungkol sa pananatili nito ng ilang buwan sa Amerika upang ipagpatuloy ang gamutan.
“Ang dahilan po nun ay dahil yung meds na kailangan ni Kris ay available lamang po dun at ang accessibility ng mga doctors ay kailangan po.”
Ipinarating din ni Boy Abunda sa publiko ang taos pusong pasasalamat ni Kris Aquino sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanyang kalusugan.
“Boy, pakisabi, maraming maraming maraming salamat.”
Bukod dito, may ibinahagi rin umanong kahilingan si Kris Aquino.
“Sana hindi lang po ako ang ipagdasal, its really nice if people can pray for the people around me, my children, my sisters,” hiling ni Kris.
Na-realize naman ni Boy Abunda na tama rin naman na ipagdasal ang mga taong nakapalibot ngayon sa kanyang kaibigan.
“When we pray for somebody who doesn’t seem well, let’s also pray for people who are taking good care of the people who are not feeling well.”
News
GRABE! Yilmaz Bektas,PINAIYAK ulit si Ruffa Gutierrez dahil sa PASABOG na SORPRESA sa amang si eddie
In a heartwarming turn of events, Turkish actor Yilmaz Bektas has once again surprised Ruffa Gutierrez with an extravagant gift,…
Guy and Pip Reunite: Nora Aunor and Tirso Cruz III Bring Timeless Love Story to Life in When I Fall In Love
Nora Aunor-Tirso Cruz III onscreen reunion leads TV5’s original “made-for-TV” movies Guy and Pip’s When I Fall In Love and…
SHOCKING CONFESSION: AiAi Delas Alas, INAMIN ANG TUNAY NA DAHILAN NG PANLOLOKO AT PANGBABABAE NI GERALD SIBAYAN!
Isa sa mga pinakainit na balitang showbiz ngayon ay ang pagsisiwalat ng comedy queen na si AiAi Delas Alas tungkol…
Security Personnel Na Inakusahang Nambastos Kay Marian Rivera Nagsalita Na
Si Earl Nerona Pressman, ang security officer na naging viral matapos akusahan ng mga netizen ng hindi kanais-nais na gawain…
SHOCK: Karyles insults Marian Rivera AND ZIA DANTES after ending her first CONCERT with a mean joke that angered her on live. THIS IS NOT A JOKE…..
Marian also denies reports that she is pregnant Na-hurt ako sa kanya dahil kung ako ang tatanungin ng ganoong katanungan,…
WATCH: Ruffa Gutierrez’s ex-husband Yilmaz Bektas commented on Ruffa’s latest video, Ruffa’s reaction quickly went viral😱😱
Ex-Husband Ni Ruffa Gutierrez Na Si Yilmaz Bektas Nag-Comment Sa Latest Video Ni Ruffa Sa kasalukuyan, usap-usapan sa social media…
End of content
No more pages to load