(Left) Miguel Tanfelix plays the troublemaker Kidlat in GMA-7’s new primetime series, Mga Batang Rieles; (right) Coco Martin in a heart-pounding action scene in the top-rating series, Batang Quiapo.

Nakatanggap kami ng mga komento sa radio program namin sa DZRH na nagustuhan nila ang pilot episode ng Mga Batang Riles sa GMA-7 noong Lunes, January 6, 2025.

Ayon sa mga nagkomento, nagustuhan nila ang pagsisimula ng kuwento at nagalingan sila sa mga artistang bumubuo ng bagong action-drama series ng Kapuso network.

Ang galing daw ng mga kabataang bida, sa pangunguna ni Miguel Tanfelix bilang Kidlat. Pero hindi pa raw lumalabas ang karakter ni Kokoy de Santos, bilang Kulot, na magaling din sa aktingan.

mga batang riles poster
Photo/s: GMA Network

Ang pilot episode ng Mga Batang Riles ay nakapagtala ng 10.4% aggregated ratings — mula sa iba’t ibang channels na pinagpalabasan nito.

Habang ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco Martin, ay may aggregated ratings na 15%.

Pero ang rating ng Mga Batang Riles sa GMA-7 ay 8.6%, at ang Batang Quiapo naman sa TV5 ay 7.9%.

Kung magiging consistent na maganda ang bawat episode ng Mga Batang Riles, magiging maganda ang tapatan nila sa nangungunang Batang Quiapo.

miguel tanfelix coco martin primetime

IT’S SHOWTIME NO LONGER AIRING ON GTV

Samantala, napansin din namin nung Lunes, Enero 6, na hindi na pala napapanood sa sister network ng GMA-7 na GTV ang It’s Showtime, kaya medyo bumaba ang aggregated ratings ng noontime show.

Bukod sa GMA 7, napapanood din ang It’s Showtime sa A2Z, All TV, at Kapamilya Channel.

Naka-6% ang It’s Showtime, habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay naka-3.2%.

Kahit ang All-Out Sundays ay wala na rin pala sa GTV, kaya bumaba rin ang rating nito noong Linggo, Enero 5.

Naka-live streaming pa rin ang AOS, pero wala na silang online hosts kapag nagko-commercial break.

Live ang All-Out Sundays noong Linggo, at naka-2.9% lamang ito.

Dumikit ang katapat nitong ASAP Natin ‘To, na naka-2.4%.

Wala pa kaming nakukuhang sagot kung bakit wala na sa GTV ang It’s Showtime at All-Out Sundays.

JERRY OLEA

Pasabog ang pagbubukas ng bagong taon para sa FPJ’s Batang Quiapo sa pagdiriwang nito ng ika-100 linggo, at sa pagsisimula ng ikalawang taon ng Kapamilya teleserye simula Enero 6, Lunes.

Sa isang teaser na inilabas ng ABS-CBN, nagbabadya ang makapigil-hiningang sagupaan sa mga susunod na episode tampok ang mga engkuwentro ni Tanggol (Coco Martin).

Kaabang-abang ang muling paghaharap nina Tanggol at Olga (Irma Adlawan) kung saan isang buhay ang malalagay sa panganib nang biglang sumulpot si Marites (Cherry Pie Picache) sa bakbakan ng dalawa.

coco martin batang quiapo

Sa wakas ay isisiwalat na ni Olga kay Tanggol na hindi si Rigor (John Estrada) ang totoo nitong ama.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi ng 8:00 P.M. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

NOEL FERRER

Nitong Enero 5, Linggo, ang BBL Gang ay 9.3%, at ang Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay 9.1%.

Ang Rainbow Rumble ay 3.1%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 14%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 3.5%.

Oh, bakit kaya hindi na kasama sa airing ng ibang mga programa sa GTV ang It’s Showtime at All-Out Sundays?

Maganda ring malaman, ano na nga ba ang thrust ng GTV kung hindi lang ito magiging extension ng GMA programming?

But all in all, mukhang magandang pagsisimula ito ng taon, na sumisigla na naman ang panonood ng telebisyon!