Sa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco, tila mas may diskarte sa pakikipagrelasyon ang aktres.
Lalo na’t sa totoong buhay, pitong taon nang going strong ang relasyon ni Barbie at ng nobyong si Jak Roberto.
Sabay na humarap sina Barbie at David sa mediacon ng pelikula nilang That Kind of Love ng Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films ngayong Huwebes, June 20, 2024.
Dito ay tinanong si Barbie kung siya ay nagiging “coach” ni David pagdating sa usaping pag-ibig.
“Alam niyo, sa totoo lang, yung pinag-usapan namin ni David, mas hopeless romantic siya kesa sa akin,” bungad na sagot ni Barbie.
Sabay buking niya kay David, “May babae siyang sinundan sa Korea, ibang level.
“Na hindi alam ng girl, sinurprise niya ang girl. Nagpunta siya ng Korea, may dala siyang rose.
“Ganun ang level ng love ng taong ‘to. So, I don’t think he needs coaching.
“But if ever he will ask for my help, hindi ko siya para i-coach. Siguro, I will share my experience and sana, he’ll learn from it, somehow.”
Barbie Forteza and David Licauco at the presscon of their movie, That Kind of Love.
Photo/s: Jerry Olea
BARBIE BECOMES DAVID’S SPOKESPERSON
Sa pagpapatuloy ng Q&A, nagmistulang spokesperson ni David si Barbie.
Kapag may mga tanong, ang aktres ang mas nagbibigay ng paliwanag.
Sa puntong ito, inamin ni David na may pagka-introvert siya, habang kabaligtaran naman si Barbie.
Paliwanag ni Barbie, “Naiintindihan ko naman dahil ako, noong nag-uumpisa ako sa industriya, di ba, nakaka-culture shock nga naman.
“Ang dami agad na gustong malaman ng mga tao about me.
“And siyempre, knowing him, he’s a very private person, I see how much it’s overwhelming for him.
“Since mas matagal na ako sa industriya, gusto ko siyang tulungan since loveteam naman kami.”
Higit-kumulang siyam na taon na rin si David sa industriya.
Paano tinutulungan ni Barbie si David maging outspoken?
Ayon sa Kapuso actress, “Well, with events like this, I always try my best to show him na nandito lang naman ako.
“I’m just beside him, at puwede niya akong tingnan para ako na ang sumagot for him.
“Para lang malaman niya na hindi siya nag-iisa and this is what the loveteam is, teamwork talaga.”
BARBIE FORTEZA AND DAVID LICAUCO NEW MOVIE
Ang That Kind of Love ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa July 10. Kinunan ito sa South Korea, sa direksiyon ni Catherine O. Camarillo.
Para kay Barbie, ibang BarDa ang mapapanood sa pelikula. BarDa ang uniname ng loveteam nilang nakilala sa Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man sa GMA-7.
Saad niya, “Dito, I would say na nag-level up talaga kami ni David in terms of sophistication ng acting, maturity. Yung styling namin, ginawa nilang very close to K-drama.
“Even sa character—palagi kong sinasabi na ito ang pinaka-sophisticated role na ibinigay sa akin. Kahit yung hitsura ko, iniba namin. Pinadalaga namin.
“And also, nag-level up kami kasi ang taas ng production value ng pelikulang ito.
“Kami rin, in return, ni-level up namin ang approach namin sa project na ‘to. Mas pampelikula. Yung hindi mo mapapanood sa TV, yung worth it na kitain.”
May intimate scenes sila sa pelikula.
Nang tanungin kung paano nila iyon pinaghandaan, natawang sagot ni Barbie, “Yun, manghihiram siya ng toothpaste.”
DAVID BORROWS TOOTHPASTE FROM BARBIE
Pambubuking pa ni Barbie kay David, “Isang beses, pumapasok sa standby area ko ang make-up artist ni David.
“‘May toothpaste ka ba diyan? Kailangan daw ni David.’ Uy, nag-prepare, uy, nag-expect.
“Yung mga ganun, which I appreciate naman. Siyempre, ang hirap ng intimate scenes, tapos may ganun,” saad ng aktres.
Direkta naman daw sila pagdating sa atake sa love scene.
Sabi ni Barbie, “And siyempre, pinag-uusapan namin, lalo na kapag masyadong intimate ang eksena, pinag-uusapan namin para kumportable kami all throughout ng eksena, di ba?
“Walang mga surprise na mangyayari kaya mas kumportable kami.
“Siguro, nagiging maganda rin ang output niya kasi pareho kaming confident at comfortable sa mga intimate scenes namin.”
News
KIM CHIU AT PAULO AVELINO TODO ANG LAMBINGAN SA MOVIE POSTER PHOTOSHOOT! KIMPAU SA DUBAI NAGPAKILIG!
Patuloy na pinapalakas ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino, o KimPau, ang kanilang on-screen chemistry na talaga namang nakakakilig…
KIM CHIU IPINAKILALA NA OFFICIALLY SI PAULO AVELINO SA KANYANG PAMILYA! PAULO INUULAN NG PANGBABASH?
Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagdalaw ni Paulo Avelino sa tahanan ng pamilya ni Kim Chiu….
PAULO AVELINO AT KIM CHIU HARAP HARAPAN NGA BANG BINASTOS? ANONG NANGYARI SM AT STAR CINEMA
Mainit na usapan ngayon sa social media ang diumano’y hindi magandang karanasan nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa isang…
KIM CHIU AT PAULO AVELINO BUKING ULIT SA INTERVIEW NI MJ FELIPE! ILANG MGA FANS DISMAYADO KAY PAULO?
Nagkaroon ng matinding buzz sa social media matapos ang interview nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa batikang entertainment journalist…
60 MILYON PESOS na KATHDEN LUXURY DREAM HOUSE, na PINAPA-GAWA ni ALDEN kay KATHRYN NAPAKA-MAHAL!
Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagpapagawa ng isang napakalaking luxury dream house ni Alden Richards para kay Kathryn…
NAPAKASAKIT NITO! BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO BREAKUP, HUMANTONG SA GANITO!
Masalimuot at puno ng emosyon ang naging reaksyon ng fans matapos ang biglaang balita ng hiwalayan nina Barbie Forteza at…
End of content
No more pages to load